Iba’t Ibang Uri ng Sakit ng Baboy

May sakit ba ang baboy mo? Nangangamba ka ba na baka malala ang sakit nito? Ano nga ba ang ibat ibang uri ng sakit ng baboy? Kung ikaw ay kasalukuyang nag aalaga ng baboy o kaya naman ay nag babalak pa lamang na mag-alaga, kailangan mong basahin ito upang matuto nang higit pa sa karaniwang mga sakit na nakakaapekto sa mga alagang baboy.

Mga sakit ng baboy

Kapag mayroon kang negosyong babuyan o kaya naman ay nag aalaga ka ng baboy sa inyong bakuran, dapat na mayroon kang wastong gabay sa pag aalaga ng mga ito. Bukod sa tamang pagpapakain, pagpapainom, at pagpapaligo ay napakaimportante rin na sapat ang kaalaman mo tungkol sa mga sakit ng baboy. Dapat alam mo kung mga ano ano ito, at siyempre pa kung ano ang gamot ditto. Alam mo rin dapat kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng sakit ng iyong mga alagang baboy.

Narito ang mga sumusunod na sakit ng baboy na karaniwan ngayon:

  • Kolera – Nagmumula sa mga mikrobyong hindi kaagad namamatay. Ang mga sintomas nito ay ang mataas na lagnat, kawalan ng gana sa pagkain, pagsiksik sa sulok, pamumula ng balat, pagsusuka at pagtatae.
  • Foot and mouth disease – Nagmumula ito sa mikrobyo, madaling makahawa at tumatagal ng hanggang apat na buwan. Mga sintomas nito ay ang mga sugat sa dila, bibig, gilagid at pagitan ng mga kuko.
  • Bulate – Karaniwan ito sa mga baboy na biik pa lamang. Mas marami ang kaso nito sa mga biik kumpara sa mga matatanda ng baboy. Mga sintomas nito ay ang kawalan ng gana sa pagkain at pagsusuka at pagtatae.

Ilan lamang yan sa napakarami sakit na puwedeng dumapo sa mga alagang baboy kapag hindi napapangalagaan ng maayos.

Mga pagkain ng baboy

Ang pagkain ng alagang baboy ay depende sa kung anong klase ng baboy ang inaalagaan mo. Ang pagkain ng biik ay iba sa pagkain ng mga inahing baboy, ganoon rin naman sa mga patabaing baboy, at sa mga lalaking baboy na breeder. Para sa mga biik, nariyan ang mga pagkaing pampalakas, pampalusog, at pampalaki. Sa mga inahing baboy naman ay mga pagkaing pampagatas at siyempre mga pagkaing pampataba sa mga patabaing baboy kagaya ng grower feeds. Mayroon rin tamang pagkain para sa mga breeder na baboy.

Tamang pagpapakain ng baboy tamang sukat ng pagkain ng baboy

  • Booster feeds – 3 to 17 day old
  • Pre starter feeds – 18 to 42 day old
  • Starter feeds – 44 to 67 day old
  • Grower feeds – 68 to 130 day old
  • Finisher feeds – 131 to market

Ang sukat ng pagkain ng baboy ay depende sa gulang at bilang ng alagang baboy. Sa simula kapag biik pa lamang ay kaunti pa lamang ang pagkain nito, pero siyempre kapag malaki na, ay marami na rin ang sukat ng kanilang pagkain. May mga baboy na hindi kalakasan sa pagkain at mayroon namang malalakas kumain. Maganda ito para sa mga patabaing baboy.

KATULAD NA MGA ARTIKULO