Sabong ng Manok: Mga Tawagan sa Sabungan

Napakaraming mga kababayan natin ang talagang nahihilig sa sabong ng manok. Ang iba ay libangan lamang, ngunit ang iba naman ay ginagawang hanap-buhay. Alamin natin sa artikulong ito kung bakit marami sa ating mga kababayan ang nawiwili sa sabong, at kung bakit ito ginawang legal dito sa Pilipinas.

Sabong ng manok: Iba’t ibang lahi ng manok panabong

Ang sabong ng manok ay matagal ng umiiral simula pa noong panahon ng ating mga ninuno. Ngunit sa pagsusulong ng kampanya ng animal welfare at animal rights activists, alam n’yo bang ipinagbawal na ito sa Amerika? Reklamo ng mga grupong ito na ang mga manok panabong ay natural na maaamo at kailangan itong alagaan ng wasto. Dagdag pa nila, wala raw silang nakikitang matibay na rason upang magpatuloy ang cockfighting o sabong ng manok.

Para sa dagdag kaalaman, anu-anoba ang ang mga uri at lahi ng mga manok panabong?

Narito ang ilan sa mga lahi ng manok panabong:

  • Miner Blues
  • Hatch
  • Claret
  • Black
  • Round Head
  • White Hackel
  • Sweater
  • Lemon
  • Mclean
  • Kelso
  • At iba pa

Bawat lahi ng manok panabong ay may mga kanya-kanya ring mga pangalan at alyas, at alam mo bang mahal rin ang bentahan ito? Kung minsan, umaabot ng mahigit isang daang libong piso ang manok panabong depende sa lahi at klase nito! Kung nais mong subukan ang ganitong sport dito sa Pilipinas, kailangan mong magpatuloy sa pagbabasa!

Mga tawagan sa sabong

Kapag ikaw ay nasa loob ng arena o sabungan o kahit nga nasa labas lamang ay sigurado ako na narinig mo na ang mga tawagan sa sabong. Kung baguhan ka at walang experience sa sabong ng manok o sa sabungan ay natitiyak ko na hindi mo alam ang mga sumusunod na tawagang ito:

Tawagan sa sabong: Sigawan sa loob ng sabungan

  • Meron o Wala – parehas, kung magkano pinusta mo ganun din ang bayad na balik saiyo.
  • Logro Pu-Syam – (9 is to 10) – 90 tatama ng 100, 450 tatama ng 500.
  • Logro Otcho-Dyes/Lo-Dyes – (8 is to 10) – 80 tatama ng 100, 400 tatama ng 500.
  • Logro Otcho-Nueve/Nebe – (8 is to 9) – 80 tatama ng 90, 400 tatama ng 450.
  • Logro Sais – Otcho/walo-anim – (6 is to 8) – 60 tatama ng 80, 300 tatama ng 400.
  • Logro Otcho-Onse/L’Onse – (8 is to 11) – 80 tatama ng 1100, 400 tatama ng 550.
  • Logro Dos-Tres/Lo’tres – (2 is to 3) – 200 tatama ng 300, 500 tatama ng 750.
  • Logro Dyes-Sais/sampu anim – (6 is to 10) – 60 tatama ng 100, 300 tatama ng 500.
  • Logro Doblado – (1 is to 2 or double your money) – 100 tamang 200 at patuloy pa.
  • Logro Sampu apat – (4 is to 10)- 40 tamang 100, 800 tamang 2000.

Sa mataas na pustahan ay applicable ito kahit pa doblehin ang value ng mga naisulat na mga pusta (90/180/360.) hangga’t hindi alanganin ang kalalabasan ng pusta. Dagdagan mo lang ng zero, ganun pa din ang suma tutal.. (40, 400, 4000.) Dagdag pa, ang Llamado ay kadalasang ang manok na mas nakatataas ang pusta at ang Dehado naman ay ang manok na mas mababa ang pusta kumpara sa Llamado. Kaunting ingat na lang at minsan ay nagkakabaliktaran ang tawagan bago bitawan ang manok.

Maliban sa tawagan sa sabong, mayroon ring tinatawag ang mga sabungero na hand gestures o senyas ng kamay.

Mga Halimbawa:

  • 8-10, 9-10 – Tanging hinlalaki lamang ng kanang kamay ang nakatiklop, pakinggan lamang ng mabuti at ikompirma ang bawat pusta upang makasigurado.
  • 6-8 – Ang lahat ng daliri ng kaliwang kamay ay naka bukas.
  • 8-11 – Victory sign o panalo.
  • 6-10 – Ok sign gamit ang hinlalaki.
  • 1-2 o doblado – Thumbs down, nakaturo paibaba ang mga hinlalaki.

Mga halimbawa lamang yan, at napakarami pang iba ang malalaman mo lamang kapag ikaw ay batikano na sa larangan ng sabong ng manok o sabungan.

Manok sabong mga masamang epekto ng sabong ng manok sa tao

Malinaw sa ating lahat na ang sabong ng manok ay isang sugal, at gumagamit ng pera upang makapaglaro nito. Sabi nga nila kahit pagbalibaliktarin man natin ang mundo, ang sugal ay sugal pa rin. Sugal na nakakasira sa buhay ng isang tao kapag ito ay inabuso. Marami na ring pamilya ang nasira ng sugal na ito, minsan pa ay nauuwi sa paggawa ng krimen ang taong nalululong sa sabong ng manok. Halimbawa na lamang ang pagnanakaw ng pera, Kapag lulong kana sa isang sugal ay talaga namang masakit sa kalooban kapag natatalo ka kung kaya’t gagawa at gagawa ka ng paraan upang makabawi. Ngunit paano kapag wala ka ng perang pang tustos dito? Hindi ba’t pwedeng mauwi sa pagnanakaw?. Sa simula ay mag uumpisa lamang ito sa maliliit na pusta ngunit sa huli ay malakihan na.

Mga tip upang maiwasan ang pagkalulong sa sabong ng manok

Kagaya nga ng nakasulat sa artikulong ito, malinaw sa ating lahat na ang sugal ay talagang masama at marami ng mga testimonya ang nagpapatunay rito. Ngunit may mga tao talagang sadyang matitigas ang ulo at hindi masaway-saway sa ganitong gawain. Pero anu-ano ba ang maaaring makatulong sa kanila upang maiwasan ang pagkalulong sa masamang bisyong ito? Narito ang ilan sa maaaring makatulong.

  1. Mag-alaga at magbenta ng manok panabong. Kung talagang mahal mo ang mga manok panabong at nahihirapan kang humiwalay dito, pwede mo itong gawing negosyo. Pwede kang magalaga ng mga panabong na manok at pwede mo itong ibenta. Sa paraang ito ay makakaiwas ka sa pagkalulong at maaari kapang kumita ng malaking pera. Ang maganda pa riyan ay nalilibang ka dahil sa gusto mo nga ang ginagawa mo.
  2. Panonood sa telebisyon ng sabong. Dahil nga legal ang ang sabong dito sa Pilipinas ay nagkaroon na rin ito ng mga programa sa telebisyon, mula sa pag-aalaga hanggang sa mga sabong mismo. Upang makaiwas ka sa pagpasok sa sabungan at maging dahilan ng iyong pagpusta, mas makabubuti na lamang ang manood sa loob ng bahay. Sa paraang ito ay malilibang ka at malalayo ka sa tukso kumpara kung nasa loob ka mismo ng arena o ng sabungan.
  3. Maghanap ng bagong paglilibangan. Isa rin itong mabisang paraan, halimbawa, maging aktibo sa ibang sports katulad ng basketball at kung anu-ano pa. Marami na rin ang mga testimonya ng mga dating nalulong sa sabong ng manok, ngunit nabago ito dahil sa nakahanap sila ng bagong pag lilibangan.

Ito ay mga simpleng payo lamang para sa mga taong matitigas ang ulo na hindi magawang iwasan ang ganitong klaseng bisyo. Sa huli, kung hindi rin ito susundin ay sila rin mismo at ang kanilang pamilya ang dadanas ng masamang mga epektong hatid nito.

KATULAD NA MGA ARTIKULO