Panabong na Manok: Mga Dapat mong Malaman Tungkol sa Manok Panabong

Nakapag alaga kana ba ng manok panabong? Alam mo bang marami na rin ang mga kababayan natin ang mga umasenso ang buhay dahil sa pag aalaga ng manok panabong? Nais mo bang matuto ng wastong pag aalaga nito? Kung oo, ay kailangan magpatuloy sa pagbabasa. Pag-uusapan natin ang mga kaalaman ukol sa pag-aalaga ng panabong manok kasama ng tamang conditioning sa mga ito.

Panabong na manok: Mga uri ng manok panabong

Napakaraming uri ng manok panabong na matatagpuan dito sa Pilipinas, ilan sa mga ito ay mga manok na dayuhan na ibig sabihin ay galing sa ibang bansa. Pero lahat naman sila ay maaaring alagaan dito sa Pilipinas sapagkat ang manok ay hindi maselan na alagaing hayop. Narito ang ilan lamang sa mga uri ng manok panabong:

  • Miner Blues
  • Hatch
  • Claret
  • Black
  • Round Head
  • White Hackel
  • Weater
  • Lemon
  • Mclean
  • Kelso

Iilan lamang yan sa napakaraming uri ng manok na panabong na matatagpuan dito sa Pilipinas, bawat lahi ay may kanya kanyang pangalan at alyas na kung saan ay mas kilala sila. Ang mga manok panabong ay mabenta lalo na kapag magaganda ang klase nito at nasa magandang kondisyon. Ito ang mga hinahanap ng mga mamimili dahil sa gagamitin nila ito bilang kanilang panlaban sa sabungan, Kaya’t mahalaga na mayroong wastong paraan ng pag aalaga nito. Paano nga ba magalaga ng manok na panabong? Ano ano ang mga dapat tandaan ukol sa panabong na manok?

Mga Paraan ng pag aalaga ng manok panabong

Ang pagaalaga ng manok na panabong ay hindi mahirap, pero nangangailangan itong ng wastong pag paplano. Narito ang mga sumusonod na makatutulong sa iyong binabalak na negosyo, ang pag aalaga ng manok panabong.

  • Pumili ng lahi ng manok na bibilhin. Ito ang pinaka importanteng dapat gawin, dito nakasalalay ang iyong ang iyong hanap-buhay. Ang mga mamimili ng manok na panabong ay bumibili lamang sa mga sigurado at subok ng lahi. Kung kaya’t maganda na sa umpisa pa lamang ay bumili ng sisiw na subok na ang lahi at galing s angkan ng cockfigthers o manok panabong.
  • Maghanda ng brooder o kulungan para sa mga sisiw. Kailangang may tamang sukat ang iyong brooder: tamang luwang upang hindi magsiksikan ang mga sisiw sa loob ng kulungan. Kailangan rin ang may magandang bentilasyon. Lagyan rin ito ng ilaw, mas makabubuti ang ilaw na gagamitin ay 100W dahil mas makapagbibigay ito ng sapat na init para sa mga sisiw. Kailangan nila ito lalong lalo na kapag taglamig at sa gabi.
  • Lagyan ng patukaan at patubigan sa loob ng brooder o kulungan. Lagyan ang kanilang inuming tubig ng vetracin o kaya’y ibang gamot na hiyang sa kanilang gulang. Mas makabubuti ang pagtanong o pagkonsulta sa isang beterinaryo tungkol dito.
  • Kapag malaki na ang mga sisiw ay kailangan na itong ilipat ng kulungan. Kailangan maluwang ang kulungan at dapat nakahiwalay sila sa isa’t isa. Layunin nito ang maiwasang maglaban laban sila sa loob ng kulungan na maaaring maging sanhi ng pagkamatay ng mga manok panabong.
  • Proteksyon. Pinakahuli, laging tatandaan na kapag ang inyong mga alagaing manok ay nakagala o “Free Range” sila ay nanganganib sa mga ibang hayop tulad ng aso, pusa atbp. Mas makakabuting maglagay ng net o screen sa kanilang mga pagalaan bilang kanilang proteksyon.

Ngayong alam niyo na ang wastong paraan ng pag aalaga ng manok panabong, Hindi pa rito ito nag tatapos. Ang manok panabong ay nangangailangan ng wastong pagbigay bitamina at mineral sa kanila. Kailangan nila ito para sa kanilang pagpapa kondisyon o conditioning. Dahil nga panglaban sila ay kailangan dumaan sa wastong proseso ng pagpapa kondisyon.

Manok panabong conditioning vitamins para sa manok panabong

Upang maging mahusay sa pakikipaglaban ang mga manok na panabong ay kailangan ng katawan nila ang mga conditioning vitamins na makatutulong sa kanila sa pag develop ng kanilang katawan na gagamitin nila sa kanilang fighting skills. Kabilang rito ang pagsasanay sa kanila sa pakikipaglaban. Narito ang mga sumusunod:

  • Wastong pagkain ng mga manok – Importante ito para sila ay manatiling malusog na makatutulong sa kanila na malabanan ang mga sakit na pwedeng dumapo sa kanila. Kailangan rin nila ang malusog na katawan para sa kanilang training.
  • Pagpupurga sa mga manok – Napakahalagang isagawa ito dahil ang mga bulate ang isa sa mga pangunahing rason kung bakit nagkakasakit ang mga manok at nagiging sanhi ng pagkamatay nito. Mas mabuting komunsulta sa isang eksperto tungkol sa pamurgang gagamitin.
  • Ehersisyo at training o pagsasanay – Hindi lahat ng husay ng manok sa pakikipaglaban ay nakadepende sa mga gamot nito o lahi nito. Kagaya ng mga boksingero, ang mga panabong na manok ay kailangang dumaan sa sapat na training bago isabak sa laban.
  • Vitamins para sa conditioning – Narito ang mga sumusunod na vitamins na puwedeng subukan: B12, B15, Stresstab, centrum capsule, enervon at pharmaton bago ang laban.

Pag aalaga ng manok panabong: Bentahan ng manok panabong

Magandang negosyo ang pag aalaga ng manok panabong. Ito ay napatunayan na ng maraming negosyanteng Pilipino. Gayunpaman, kagaya ng ibang negosyo ito ay nangangailangan ng masusing pangangasiwa at siyempre dapat nandiyan ang sipag at tiyaga. Para sa akin ay mas maganda ito kaysa naman sa pag sasabong.

Upang maging matagumpay ang pagaalaga ng manok na panabong ay kailangang sunding mabuti ang mga nakasulat sa unang bahagi ng artikulong ito. Simula pagka sisiw hanggang sa paglaki at pagpapa kondisyon nito.

Ang bentahan ng manok na panabong ay depende sa klase at lahi ng manok. Kung kaya’t nabanggit ko na sa umpisa pa lamang ay kailangang pumili ng lahi ng manok na subok na at kung mapupuwede ay kabilang sa pamilya ng mga ganador. Ang bentahan ng manok ay nagsisimula sa limangdaang piso hanggang isangdaang libong piso depende siyempre sa lahi at pinagmulan nito.

Paano kaya kung mayroong kang isang hektaryang lupa na pinag-aalagan mo ng mga manok na panabong? Hindi ba’t napakalaki ng potensyal na puwede mong kitain. Iyan nga lang bilang isang payo, huwag nang subukan ang pagsasabong dahil baka dito ka pa malulong at mauwi sa pagkalugi ng iyong negosyo.

KATULAD NA MGA ARTIKULO