Pagtatanim Ng Pechay: Paano Ba Magtanim ng Pechay?

Nasubukan mo na bang magtanim ng gulay na pechay? Kahit sa bakuran ay maaaring itanim ang pechay. Ang pagkakaroon ng talento sa pagtatanim ay talaga namang biyaya galing sa diyos. Pero ang magandang balita ay napag-aaralan din ito kung paano. Pero paano nga ba ang tamang pagtatanim ng pechay? Mahirap ba at maselan itong itanim? Tuklasin natin.

Ano ang pechay?

Ang petsay o pechay ay ang tinatawag na Chinese cabbage sa Ingles na nangangahulugan “repolyong Intsik”, na may madidilim na luntiang dahon at mga malalapad na mapuputing tangkay. Karaniwang namumulaklak ito ng mga dilaw na bulaklak. Tinatawag din itong bok choy.

Ang pechay ay may essential vitamins at minerals na nakakatulong for healthy bones at glowing skin. Dagdag pa rito, ang isang tasa ng pechay ay nagtataglay ng 13 calories at 2.5 na gramo ng carbohydrates, pwede itong pampalit sa kanin para sa mga taong nagpapapayat o nagpapabawas ng timbang. Mahusay rin ang pechay para sa may mga high blood o hypertension. Mayroon rin itong vitamin A na pampalinaw sa ating mga mata.

Hindi ba’t may hatid na benepisyo ang pagtatanim ng pechay? Narito ang mga sumusonod na paraan sa pagtatanim ng pechay.

Pagtatanim ng pechay: Mga paraan ng pagtatanim ng pechay

Paghahanda ng binhi o punlang gagamitin. Ito ang unang pinakamahalagang dapat gawin. Importante na makapag pili ng binhi o punlang gagamitin. Ang punla ay dapat malusog at hindi tinamaan ng peste. Mayroon ring mga nabibiling binhi ng pechay sa mga pamilihan.

Paghahanda ng lupang pagtataniman o plotting. Bungkalin at linisin ang lupa, tanggalin ang mga damong tumubo dito. Importante rin na mamasa-masa o moist ang lupang pagtatamnan. Dahil kapag basa ang lupa ay mas kumakapit ang binhi sa ilalim, mahalagang salik upang mabuhay ito.

Itanim na ang binhi. Sa pagtatanim ng binhi ng pechay, pakatandaan na mayroon dapat sapat na espasyo o distansya sa bawat binhing itatanim. Layunin nito ang maiwasang ang pag-aagawan o competition ng sustansyang makukuha nila mula sa lupa.

Sapat na tubig at sikat ng araw. Katulad rin ng ibang pananim, ang pechay ay nangangailangan ng sapat na tubig at sikat ng araw. Malaki ang ambag ng sapat na tubig sa pagkakaroon ng malalaki at malulusog na tangkay o stem ng pechay. Nakakatulong naman ang sapat na sikat ng araw para sa berdeng kulay ng dahon ng pechay.

Pagtatanim ng pechay, mga benepisyo sa pagtatanim ng pechay

Nabanggit sa mga unang talata ng artikulong ito ang tungkol sa taglay na sustansya ng pechay. Sa panahon ngayon na nauuso at dumarami talaga ang mga instant na pagkain kagaya ng noodles at kung anu-ano pa, instant na rin ang pagkakaroon ng sakit. Para sa mga taong health conscious o maingat sa kanilang kalusogan ay talaga namang pinipili nila ang kanilang mga kinakain. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang mga berdeng gulay ay talaga namang mayroong hatid na magandang benepisyo sa ating kalusugan. At kabilang marahil ang pechay sa mga berdeng gulay na tinutukoy ko. Kaya naman paborito ito ng mga taong health conscious kung tawagin. Bukod pa riyan, ay maaari mo ring gawing hanap-buhay ang pagtatanim ng pechay. Dahil nga sa taglay nitong karisma sa mga tao, subok na ito sa merkado at talaga namang binabalik balikan ng mga tao.

Kung nais mong magkaroon ng hanap-buhay kagaya ng pagtatanim ng pechay o kaya naman ay gusto mong magtanim nito sa bakuran ng inyong bahay bilang pagkain ng iyong pamilya, balikan mo at pag-aralan ang tamang paraan ng pagtatanim ng pechay na nakatala sa unang bahagi ng artikulong ito.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Pagtatanim Ng Pechay: Paano Ba Magtanim ng Pechay?
1 (20%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO