Luya Farming: Paano Magtanim Ng Luya?

Ang luya ay isa rin sa pinakamahalagang gulay hindi lang sa ating bansa kundi kilala rin ito sa buong mundo. Ang taglay nitong sustansiya na nakakapag pagaling ng iba’t- ibang karamdaman, at siyempre pa ang paggamit nito sa ating ma lutuin ay siyang nag akit sa mga negosyante na pasukin ang negosyong pagtatanim ng luya o luya farming. Pero paano nga ba ang tamang pagtatanim ng luya? patok rin ba ang luya farming?

Luya: Anu-ano ang iba’t-ibang sustansyang dala nito?

Ang luya isang uri ng halamang rhizome o metamorphosed roots o nag lamang ugat.Sa Ayurdeva ng India, isa ito sa napakahalagang kagamutan sa maraming karamdaman.Sa Pilipinas, ang luya ay nilalaga at iniinum bilang salabat upang pawiin ang hanging lamig sa katawan at upang iiwas din sa iba pang karamdaman kaugnay sa impeksiyon o tamang mikrobyo sa katawan.May pulang luya,dilaw na luya(turmeric), karaniwang luya at itim na luya(lunas sa karamdaman dahil sa lamang lupa o maligno o paranormal).

Ang iba’t-ibang bahagi ng halamang luya ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansiya na nagbibigay ng benepisyo sa ating kalusugan.Ang halamang luya ay mayroong terpenoids, ᴀavonoids, alkaloids at tannins.Ang ugat ay may zingerone at shogaol na siyang nagbibigay ng amoy at lasa sa luya.Ang langis mula sa ugat ay may gingerol, zingerone, zingiberene, cineol, borneol, phellandrene, citral, zingiberene, linalool, geraniol, chavicol, vanillyl alcohol at camphene.

Luya farming: isang patok na hanapbuhay!

Dahil nga ang luya ay maraming hatid na pakinabang sa mga tao lalong lalo na pag dating sa ating kalusogan ay mainam itong gawing negosyo. Alam niyo bang mahusay na panlaban ang luya sa sakit na kanser? Marahil isa lamang ito sa mga rason kung bakit mabentang mabenta ang luya sa merkado, kaya nga masasabi kong patok na negosyo ang pagtatanim ng luya o luya farming. Dagdag pa rito ay hindi ito nangangailangan ng malaking puhunan. Pero paano nga ba ang tamang paraan ng pag tanim ng luya? narito ang mga sumusunod.

Paano magtanim ng luya (step by step)

  1. Pumili ng magandang uri ng luya (rhizomes), iyong mabintog, walang sakit o sugat at gumigiti na. Hiwain sa ilang piraso. Humigit-kumulang mga 20-50g ang timbang ng bawa’t piraso ng pananim at dapat may 2 o 3 mata. Huwag paaarawan. Depende sa klase ng luya, mga 800 hanggang 3,000 kg ng binhi ang kakailanganin sa 1 hectare. Para sa kakailanganing binhi.
  2. Ilagay ang binhi sa isang kaing. Ibabad ang kaing sa fungicide solution sa loob ng 15-30 minuto upang hindi amagin o mabulok ang binhi.
  3. Para makagawa ng fungicide solution, tunawin ang 3–5 kutsarita Benlate W.P. Sundin lamang mabuti ang tamang rekomendasyon ng manufacturer na nakasulat sa etiketa.
  4. Matapos ibabad, pahanginan ng 3 araw sa lilim ang binhi upang matuyong mabuti, bago itanim.
  5. Araruhin at suyuring mabuti ang lupang pagtatamnan. Gumawa ng beds, 1 piye ang taas at 1 metro ang lapad sa kahit na anong haba ng taniman.
  6. Pagkatanim, diliging mabuti ang mga beds o patubigan ang mga kanal sa pagitan ng mga beds
  7. Lagyan ng pangkulob ang ibabaw ng beds, dayami (rice straw) o palapa ng niyog, upang hindi tumubo ang mga damong-ligaw at mapanatiling mamasa-masa ang taniman.
  8. Kapag nagsisilitaw na ang mga sibol ng luya sa pagitan ng mga pangkulob na dahon (mulch), mag-abono uli sa ikalawang pagkakataon upang mapabilis ang pagtubo ng mga luya.
  9. Sa ika-walong buwan o mas maaga-aga pa rito, depende sa ginger variety, maninilaw na ang mga dahon ng luya, at maaari nang mag-ani.
  10. Bungkalin ang taniman, gumamit ng tinidor (spading fork) upang mabuhaghag ang lupa. Bunutin ang mga tanim. Putulin ang dahon sa pinakapuno, putulin rin ang mga suloy at ugat. Hugasan sa tubig nang ilang beses; huwag hahayaang may maiwang lupa o dumi. Pahanginan, subalit sa malilim na lugar, nang matuyong mabuti at nang di-amagin o mabulok.

KATULAD NA MGA ARTIKULO