Pagtatanim ng Bawang: Paano Magtanim ng Bawang Bilang Hanapbuhay?

Sa mga nais sumubok na pasukin bilang isang negosyo ang pagtatanim ng gulay, isa ang bawang sa mga gulay na subok na at madaling ibenta sa merkado. Marahil ang bawang ay karaniwan na lamang sa mga tao dahil sa mga gamit nito sa araw-awaw nating mga lutuin. Pero alam niyo ba na hindi pangkatariwan ang taglay nitong sustansya? paano nga ba ang tamang paraan ng pagtatanim ng bawang?

Ano ang iba’t-ibang sustansyang taglay ng bawang?

Ang bawang o garlic sa ingles ay isang uri ng halamang gulay na ginagamit sa pagluluto. Isa itong uri ng sibuyas na nasa pamilyang Alliaceae. Kalapit na kamag-anak nito ang mga sibuyas. Ginagamit na ito sa kabuoan ng kasaysayang nakatala, partikular na sa pagluluto at panggagamot. Mayroon itong maanghang na amoy o lasang nakapagpapabanayad at nakapagpapatamis sa mga lutuin. Nahahati ang mga kumpol nito sa mga malalamang mga butil (bahaging karaniwang ginagamit). Ginagamit ang mga butil bilang buto, pagkain (hilaw o luto), at para sa panggagamot. Nakakain din ang mga dahon, sanga o tangkay, bulaklak sa ulo at kalimitang kinakain kapag mura at malambot pa. Ang tila mga papel na balot o balat at mga ugat na nakadikit sa mga kumpol ang mga natatanging bahaging hindi nakakain. Nagmumula ang matapang na amoy ng bawang sa nilalaman nitong kompawnd na may sulpur.

Nakapagpapabawas ito ng bilang ng kolesterol sa ating katawan at nag sisilbi rin itong pampasigla at antibayotiko.

Bawang business: paano magtanim ng bawang?

Kung kayo ay nagbabalak na pasukin ang pagtatanim ng bawang bilang isang hanap-buhay o kahit yung mga nasa bahay lang na nais subukan ang pagtanim nga bawang bilang personal na pangangailangan, kailangan niyong malaman ang wastong paraang ng pagtatanim ng bawang. Paano nga ba magtanim ng bawang?

Paghahanda: Pumili ng maganda at malalaking butil na bawang. Paghiwa-hiwalayin ang butil nito mula sa magkakadikit na mga butil. Ibabad sa tubig ang mga butil sa loob ng tatlumpung minuto. Pagkalipas ng tatlumpung- minuto, kuhanin ang mga butil ng garlic at itanim sa mga tudling na inihanda. Tumutubo ang garlic sa panahon ng banayad na taglamig.

Pagtatanim: Araruhin ang lupang pagtataniman ng bawang. Kada buwan ng Setyembre at Oktubre kadalasan ang pagtatanim. Pagkatapos ng pag-aararo, gumawa ng malalim na TUDLING sa pagitan ng malalim na pilapil na may isang metro ang lapad. Sa bawat pilapil, magbungkal ng tatlo na mas mababaw sa tudling para dito itanim ang garlic.

Mga dagdag kaalaman sa pagtatanim ng bawang

Ang bawang ay malawakang itinatanim sa Batangas, Nueva Ecija, Ilocos Norte, Mindoro at Cotabato. Madalîng magpatubo ng bawang kaya maaari itong paramihin buong taon. Hindi din ito inaatake ng mga peste at sakit. Maaari itong itanim nang magkakatabi. Mag-iwan lámang ng katamtamang puwang para sa paglaki ng mga ulo nito.

Dahil sa ginagamit din ito sa pagluluto, ang báwang ay mabibili kahit sa mga palengke at maliliit na tindahan. May nabibili na din ngayong bawang na ginawang tableta o nása kapsula, tsaa, o pinulbos.

Gusto mo bang matuto ng higit pa tungkol sa pagtatanim? Magbasa ng higit pa sa website na ito!

KATULAD NA MGA ARTIKULO