Pag-aalaga Ng Pugo: Mga Paraan ng Tamang Pag-Aalaga ng Pugo

Mahilig ka bang mag-alaga ng mga hayop kagaya ng manok, o kaya ay kalapati? Kung oo ay maaari mo ring subukan ang pag-aalaga ng pugo dahil ang pag-aalaga nito ay halos walang pagkakaiba sa pag-aalaga ng manok. Paano kung nagpaplano kang mag-alaga ng pugo ngunit kulang ang iyong kaalaman? Basahin ito upang makatulong saiyo.

Ano ang pugo?

Ang karaniwang pugo ay isang uri ng maliit na ibong hinuhuli o inaalagaan para sa karne at itlog. Kutipaw ang tawag sa isang batang pugo. Ito ay ibon na may maliit ngunit mapintog na pangangatatawan, mga 18 sentimetro (7 pulgada) ang haba, at kadalasan ay nasa lupa lamang. Ang karne nito ay maaaring kainin. Ang itlog naman nito ay sa sustansya. Marami ang mga kababayan natin ang nagbebenta at naglalako ng nilagang itlog ng pugo bilang kanilang hanap-buhay.

Ang pag-aalaga ng pugo ay maaari mo ring pagkakitaan, marami na ring mga negosyante ang pinasok na ang ganitong klaseng hanap-buhay at talaga namang napatunayan nila ang potensyal nito. Pero paano ba mag-alaga ng pugo?

Mga paraan ng pag-aalaga ng pugo

Base sa mga testemonya ng mga nakapag alaga na ng pugo, madali lang daw mag alaga nito. Dagdag pa nila, maaari itong gawing hanap-buhay kahit ikaw ay may trabaho sa umaga, estudyante, o kaka graduate pa lamang.

Ngayon, ang tanong: paano ba ang wastong paraan ng pag-aalaga ng pugo?

  • Magsimula sa pagawa ng maayos na kulungan para sa mga aalagang mga pugo (mamaya ituturo ko ang wastong kulungan para sa mga pugo).
  • Maaaring bumili ng mga babaeng pugo na siyang magsisilbing breeder o mangingitlog na gagamitin sa pagparami ng mga pugo.
  • Ang pugo ay maaring pakainin ng mga patuka sa manok, isang kilo para sa limampung mangingitlog na pugo. Maaring samahan ng dinurog na shell ang pagkain nila upang mas tumibay at kuminis ang mga magiging itlog nila.
  • Ang 1/2 na pulgadang chicken wire para sa kulungan ay dapat na hiwain upang magkasya ang ang lagayan ng pagkain ng mga pugo upang maiwasan na mag agaw-agawan sila sa pagkain. Dagdagan pa ito ng 1/2 pulgada pa upang maiwasan ang pagdudumi ng mga pugo sa pagkain.
  • Panatilihing laging mayroong pagkain ang lalagyan ng pagkain ng mga pugo. Dapat 24 oras silang may pagkain upang makakuha ng mas mataas at magandang produksyon ng itlog. Dapat ay ilawan sila upang hindi sila tumigil sa pagkain. Kapag ganito ang inyong ginawa, ang mga pugo ay maaring mangitlog ng 2 sa loob ng 24 oras.

Pag aalaga ng pugo: Ano ang wastong kulungan ng pugo?

Ang pugo sa mga manok ay madaling alagaan. Maaari silang gawan ng tirahan kahit na saan basta’t komportable sila. Kung sisiw pa lang ang pugo, kailangan nila ang brooder na mayroong 38 degrees celcius na temperatura. Ang temperature na ito ay makakamit sa pamamagitan ng paglagay ng 100 watts na bumbilya.

Sa 4×8 na sukat ng brooder ay maaaring makapaglagay ng 700 heads na sisiw. Ito ang angkop na dami ng sisiw per brooder. Kapag sumobra sila sa 700 ay sisikip na sila pagdating nila sa ika-7 araw. Lagyan ng sako na magsisilbing pantabing sa gilid ng brooder para maiwasan ang pagpasok ng lamig at paglabas ng init sa brooder. Lagyan ng dyaryo ang flooring ng brooder. Ito ay para maiwasang makapasok ang lamig at hangin sa flooring. Dito rin kasi pansamantalang ikakalat ang mga feeds na patuka sa mga sisiw.

Ang pinakakumplikadong parte ng pagaalaga ng pugo ay kapag mga sisiw pa lamang ito. Hindi maiiwasan ang pagkamatay ng ibang mga pugo kapag napabayaan. At malaki ang ginagampanang papel ng wastong kulungan ng pugo sa survival ng iyong mga alaga.

Kaalaman ukol sa itlog ng pugo

Napakahalaga ng pagiingat sa itlog ng pugo, bukod sa dito nakasalalay ang pag dami ng iyong alagang pugo ay maaari mo rin itong ibenta bilang isang pagkain. Kaya naman importante na mayroong wastong pugad ang mga pugo para sa mga itlog nila. Ang bilang ng magiging itlog ng mga pugo ay nakasalalay sa dami ng pagkain nito. Ibig sabihin, mas marami ang pagkain, mas marami rin ang kanilang magiging itlog. Kung kaya’t ipinapayo sa mga magpupugo na dapat ay palagi lamang may pagkain ang mga pugo sa kanilang kulungan upang hindi sila magutom at hindi maapektuhan ang kanilang pangingitlog. Kaya importante na dapat palaging may ilaw ang kulungan lalong lalo na sa gabi upang patuloy lamang ang mga pugo sa pag tuka ng kanilang pagkain. Ang balik nito ay maraming itlog, maraming pugo, at siyempre pa maraming kita.

KATULAD NA MGA ARTIKULO